Ilang linggo nalang, eleksyon na naman.
Nakapag-pasya kanaba kung sino ang iboboto mo?
Eleksyon ay malapit na. Kaya ang mga kandidato, kaliwat-kanan na ang mga papogi. Kampanya dito, kampanya doon. Pangako dito, pangako doon. Pero pagtapos ng eleksyon, lahat kaya ng naipangako nila ay matutupad?
Sa mga nangyayare at pwede pang magyari sa ating bansa ay kailangan nating pumili ng lider na hindi lang puro pangako. Kailangan natin ng lider na may prinsipyo, pangarap para sa ating bansa, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Wag tayong pumili ng lider na puro pangako lang pero sa huli ay nanakawan tayo.
Sa panahon natin ngayon, kabataan na ang pinaka nililigawan ng mga tumatakbong kandidato lalo na sa pagka-PRESIDENTE. Bakit nga ba kaming mga kabataan ang nililigawan nila? Sa aking pananawa, kaya nila ito ginagawa ay sa tingin nila, kaming mga kabataan ay madaling maloko o mabola. Pero hindi nila alam na kaming makabagong kabataan ay marunong ng mag-isip at pumili kung sino ang aming pipiliin. Alam namin kung sino ang makakabuti para alagaan ang aming kinabukasan.
Hindi ako botante, pero sa mga nakikita ko sa nangyayari sa ating bansa ay madame akong nakikitang maling ginagawa ng mga kumakandidato ngayon. Andyan yung magsasama ng artista para dagsain ang kanilang pangangampanya. Andyan yung napakadaming commercial sa tv. At andyan yung pamimigay ng kung ano-ano sa mga tao. Para sa akin ay hindi dapat ganito ang paraan ng pangangampanya nila. Dahil nagtatapon lang sila ng pera, at sa di kalaunan kapag nakaupo na sila sa pwesto, ay malamang na kukunin lang nila sa kaban ng bayan ang kanilang nagastos sa naging kampanya nila.
Kailangan na natin kumilos. Kailangan natin pag-isipan ng mabuti kung sino ba talaga ang karapat-dapat sa pinakamataas na pwesto para sa ating minamahal na bayan. Sana sa dadating na elksyon ay magkaroon tayo ng mapayapa at malinis na halalan. At kung sino man ang manalo ay maging maganda ang mangyari sa ating bansa. At ang kanyang mga pinangako ay kanyang tupadin. Upang umunlad ang ating bansa at wala ng maghirap.
Kaya sa mga botante ngayon, isa lang ang pakiusap ko, PUMILI TAYO NGA MABUTI AT TAPAT NA PANGULO PARA SA ATING MAHAL NA BAYAN.